P2.6-M dinoktor ng empleyado ng credit card
January 27, 2001 | 12:00am
Umaabot sa halagang P2.6 milyon ang nadoktor ng isang empleyado ng isang credit card company sa pamamagitan ng pag-duplicate sa mga dokumento ng kanilang mga kliyente para sa kanyang personal na paggamit.
Naaresto ng mga operatiba ng Eastern Police District-Criminal Investigation Group (EPD-CIG) ang suspek na si Albert Reyes, 27, binata, empleyado ng Bankard, ng 171 Duhat st., Bgy. Balanti, Cainta, Rizal.
Sa ulat ng pulisya, nagreklamo sa pulisya ang abogado ng Bankard na may opisina sa Robinson Equitable Tower 4, ADB Avenue, Ortigas Center, Pasig City, na si Atty. Jose Celestino Torres matapos madiskubre ang pamemeke ni Reyes ng mga credit card.
Ayon kay Atty. Torres, dahil sa nakatalaga ang suspek sa card processor ng Bankard, may kakayahan itong makakuha ng mga dokumento at makagawa ng mga credit cards.
Dito sinamantala ni Reyes ang nakuhang kaalaman sa tatlong taon niyang paninilbihan sa Bankard at nagawang mag-duplicate ng mga credit cards ng kanilang mga kliyente.
Nabatid naman ito ng Bankard matapos na magreklamo ang ilang department store na ginamitan ni Reyes ng mga pekeng credit cards upang makabili ng mga mamahaling gamit. Nagduda ang mga empleyado ng mga department stores dahil sa iba ang pirma nito kaysa nakalagay sa ipinapakita niyang duplikadong credit cards.
Nagsagawa naman ng operasyon ang EPD-CIG sa pangunguna ni SPO1 Joseph Amoyo at naaresto si Reyes. Isinuko nito ang mga napamili niyang isang Sony discman, 2 multi-media speaker, 1 power adaptor, 1 discman bag at isa sa mga credit card na kanyang kinopya na pag-aari ng kliyente nilang si Felix Ansaldo.
Inihahanda ang pagsasampa ng mga kasong qualified theft, estafa at violation of anti-access device law sa Pasig Prosecutors Office. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended