Malubha sa Rizal Medical Center ang biktimang si Jayvie Nuñez, nakatira sa Sitio Damayan, Zone 3, Signal Village, nabanggit na bayan.
Nadakip naman ang ama nitong si Giovannie Nuñez, 30.
Sa imbestigasyon ni PO3 Charlie Rillon ng Criminal Investigation Division (CID), dakong alas-7 ng gabi ng dumating ang suspek sa bahay nito na lasing na lasing.
Tinawag nito ang anak na kasalukuyang naglalaro at paglapit ng bata ay walang sabi-sabing pinaggugulpi nito ng walang dahilan.
Sa tindi ng bugbog ay napadumi ang biktima at naawat lamang ang ama ng dumating at tumulong ang mga kapitbahay na nakarinig sa palahaw ng bata.
Agad na dinala sa pagamutan ang bata. Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang suspek na ama. (Ulat ni Lordeth Bonilla)