^

Metro

Oil spill sa Marikina River baka umabot sa Pasig

-
Pinangangambahang umabot sa Pasig River ang epekto ng oil spill na namataan sa Marikina River makaraang hindi pa rin nawawala ang nasabing langis.

Ang oil spill na nadiskubre ng Marikina River Park Authority dakong alas-12:30 kamakalawa ng madaling araw ay natukoy na mula sa planta ng Coca Cola Phils. sa Barangay Tiaong sa bayan ng Cainta kung saan umano nagtatapon ng dumi ang Coca Cola branch. Nabatid na ang boiler ng planta ay inalis habang nag-ooperate ito na naging sanhi para tumagas ang langis.

Ipinaliwanag ni Marikina Mayor Bayani Fernando na ang oil spill ay dumaan sa creek at umagos sa Sumulong Interceptor bago kumalat sa Marikina River na konektado sa Pasig River.

Nagsagawa na ng paglilinis ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard at dahil na rin sa mahinang galaw ng tubig ay naging madali ang nasabing clean up. Umabot sa apat hanggang anim na drum ang narekober na oil spill habang namataan din ang oil spill sa Mangahan Flood Gate.

Ayon kay Dr. Angelito Llabres, asst. city health officer, ng Marikina City Hall, nakatakda silang magharap ng reklamo sa Laguna Lake Development Authority laban sa Coca Cola Phils. dahil malinaw umano ang ginawang paglabag nito sa Sanitation Code of the Philippines partikular sa "indiscriminate disposal of water pollutants".

Kumuha na ng oil samples ang LLDA para sa gagawing pagsusuri.

Bagamat hindi na nadagdagan ang volume ng naturang langis ay hindi pa rin ito nawawala na siyang pinoproblema ngayon ng MRPA dahil kilala ang lungsod sa kalinisan nito at maaari anyang masira dulot ng insidente.

Wala namang iniulat na fishkill sa nasabing ilog sa kabila na milyong carpa fingerlings ang nasa ilog. (Ulat nina Danilo Garcia, Non Alquitran at Nestor Etolle)

BARANGAY TIAONG

COCA COLA

COCA COLA PHILS

DANILO GARCIA

DR. ANGELITO LLABRES

LAGUNA LAKE DEVELOPMENT AUTHORITY

MANGAHAN FLOOD GATE

MARIKINA CITY HALL

MARIKINA RIVER

PASIG RIVER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with