^

Metro

Dalagita 10 ulit ginahasa ni mister sa harap ni misis

-
Isang 13-anyos na dalagita ang ginawang laruan ng isang mag-asawa na hinihinalang sabog sa droga nang yayain itong manood ng "X-rated film" at gahasain ng 10 beses ng isang lalaki sa harap ng misis nito, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Naaresto ang mag-asawang suspek na sina Valeriano Villara, 34, vendor, at misis na si Veronica, pawang nakatira sa Seminary road, Bahay-Toro, QC.

Sa salaysay ng biktimang itinago sa pangalang Cute, bandang alas-9 kamakalawa ng gabi ng yayain umano siya ng mag-asawa na manood ng VHS tape sa bahay ng mga ito.

Pinaunlakan ito ng dalagita, pero nabigla siya ng makitang "bold" ang kanilang papanoorin hanggang sa hindi na siya palabasin at simulan nang hubaran ni Valeriano, habang tuwang-tuwa naman sa panonood ang misis nito.

Sampung ulit umanong ginahasa ng lalaki ang biktima sa kabila ng pagmamakaawa sa maybahay nito na awatin ang kanyang mister, pero binalewala ito ng ginang kung saan abala ito sa "pagsasariling-sikap" na makaraos habang pinanonood na ginagahasa ng kanyang mister ang biktima.

Isang kapitbahay ang nakakita sa biktima na paika-ikang naglalakad pauwi at tila tulala at ng tanungin ay ipinagtapat nito ang ginawa sa kanya ng mga suspek hanggang sa samahan nito sa pulisya at magreklamo.

Naaresto ang mag-asawa at kasalukuyang nakakulong sa CPD station 3 at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso. (Ulat ni Rudy Andal)

BAHAY-TORO

ISANG

NAARESTO

PINAUNLAKAN

QUEZON CITY

RUDY ANDAL

SAMPUNG

ULAT

VALERIANO VILLARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with