Ito ang sinabi kahapon ni Department of Health Undersecretary Susie Pineda-Mercado bilang sagot sa isinagawang piket ng may 200 miyembro ng Alliance of Health Workers at empleyado ng DOH matapos mabalitaan ng mga ito na si Mercado ang papalit bilang bagong kalihim ng Health department kasunod ng pagbibitiw ni Sec. Alberto Romualdez.
Ayon kay Mercado, nagbitiw na siya sa DOH at wala nang balak na bumalik dito. Magko-concentrate na lamang umano siya sa pagtuturo sa UP kung saan siya ay faculty member sa UP College of Public Health at College of Medicine.
Bukod dito, nais na rin ni Mercado na makabuo sila ng anak ng kanyang asawang si Defense Secretary Orly Mercado at gaya ni Sharon Cuneta, magku-quit ito upang mapaghandaan ang pagkakaroon nila ng sariling anak. "Kung ipagkakaloob ng Diyos, sana magkaroon rin kami ni Orly ng sarili naming anak sa halip na mga alagang aso lamang," wika pa ni Susie. (Ulat ni Wilfredo Suarez)