Ito ay sa kabila ng pagtanggi nang nagbitiw na si Health Secretary Alberto Romualdez na si Mercado ang na-appoint bilang kapalit niya.
Dakong alas-8:30 ng umaga kahapon ng iparada ng mga protester ang mga placards na tumututol kay Mercado bilang bagong DOH secretary at pagbasura sa Executive Order 102. Inakusahan ng grupo na si Mercado ang umanoy nagsusulong na ipatupad ang EO102 na magpapabago sa functions at operations ng DOH.
Ayon sa grupo, hindi nila matatanggap si Mercado bilang bagong Health secretary at magpapatuloy ang kanilang protest actions hanggat hindi sila nakakasiguro na hindi ito ang magiging bagong kalihim. Ang EO 102 ang huling pag-asa at hindi nila papayagang maging banta ito sa kapakanan ng mga kawani ng DOH, pahayag ni AHW national president Emma Manuel.
Kinondena rin ng grupo ang balak na pagsasapribado ng mga government hospitals gaya ng National Kidney and Transplant Institute, Philippine Heart Center, Jose Reyes Memorial Medical Center, San Lazaro Hospital at Tondo Medical Center sa pangambang maaaring dumating ang panahon na ang mga mahihirap na pasyente ay irequire na magbayad ng mga hospital services.
May 110 kawani rin ng Malaria unit at Bureau of Research and Laboratories ang nagpahayag ng kanilang sentimyento at kinuwestiyon ang legalidad ng nasabing executive order. Ilan sa kanila ay na-demote at nabawasan ang mga sahod, taliwas sa pangako noon ni Romualdez na walang pagbabawas sa empleyado at suweldo. (Ulat nina Ella Oducayen atAndi Garcia)