^

Metro

Jinggoy vs Zamora sa congressional seat

-
Ano kaya ang magiging damdamin ni dating Executive Secretary Ronaldo Zamora matapos na mabalitaan nito na ang makakaharap niya sa pagka-kongresista sa darating na halalan sa Mayo 14 sa bayan ng San Juan ay si Mayor Jinggoy Estrada sa ilalim ng partidong Lapian ng Masang Pilipino (LAMP) na kanya ring ka-partido?

Ito ang inihayag ni Jinggoy sa panayam ng mga mamamahayag matapos umuwi na sila ng dating Pangulo sa kanilang tahanan sa Polk St., Greenhills, San Juan kamakalawa ng hapon mula sa Malacañang.

Naniniwala naman ang batang Estrada na magwawagi siya sa darating na halalan bilang kongresista at pagtakbo sa Senado ay kanya na lamang binalewala dahil tiyak na matatalo lamang siya dahil sa nangyari sa kanilang pamilya habang ang kanyang half-brother na si JV Ejercito ang kakandidatong alkalde.

Sa pangyayaring ito ay nanganganib na masira na ang political career ng kasalukuyang Cong. Jose Mari Gonzales at Zamora na kapwa miyembro ng LAMP.

Magugunita na nagbitiw si Zamora sa kanyang tungkulin upang paghandaan ang pangangampanya habang si Gonzales ay sinampal naman ang Sgt.-at-Arms ng Kamara. (Ulat nina Rudy Andal at Danilo Garcia)

vuukle comment

ANO

DANILO GARCIA

EXECUTIVE SECRETARY RONALDO ZAMORA

JOSE MARI GONZALES

MASANG PILIPINO

MAYOR JINGGOY ESTRADA

POLK ST.

RUDY ANDAL

SAN JUAN

ZAMORA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with