3 katao sinuwag ng wagon, todas
January 22, 2001 | 12:00am
Tatlo katao ang nag-aabang ng masasakyan ang nasawi habang 2 iba pa ang nasugatan matapos ang mga ito ay suwagin ng humahagibis na sasakyan na nawalan ng preno kahapon ng madaling araw sa Quezon City.
Ang mga nasawi ay nakilalang sina Lorenzo Caasi, 25; Lorna Lucero,19, at kasama nito na nakilala lamang sa pangalang Jonalyn, 18, na pawang residente ng Main Ave., Quezon City.
Samantala ginagamot naman sa Quirino Medical Center sina Jathar Custodio, 26, car wash boy ng #14 Main Avenue at ang pasahero ng Nissan Safari wagon na si Gerard Reyes,15, ng Catmon St., San Antonio Village, Makati City.
Kusang-loob namang sumuko ang driver ng naturang sasakyan na si Rogelio Anthony Jerome Rosacia, 19, estudyante, ng 9534 Aklan St., San Antonio Village, Makati City.
Sa ulat ng pulisya na bandang alas-5:30 ng madaling-araw habang nakatayo at nag-aabang ng masasakyan ang mga biktima sa kanto ng Aurora Blvd. at South Road tapat ng Prime Movers Trucking and Equipment Co., nang biglang sumulpot sa bangketa ang nasabing sasakyan.
Nawalan ng kontrol sa manibela ang driver na unang bumangga sa poste ng Meralco saka nabundol ang mga biktima na tumilapon sa lakas ng pagkabundol.
Nasawi agad ang dalawang babae habang si Caasi ay namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital habang kritikal naman ang car washboy at pasahero ng wagon na sumalpok ang mukha sa windshield ng sasakyan.
Nagtamo lamang ng galos ang suspek na hininala ng mga awtoridad na ito ay nakatulog habang nagmamaneho. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest