14-anyos ginulpi, pinagbabaril
January 21, 2001 | 12:00am
Isang 14-anyos na batang lalaki na umanoy anak ng political leader ni Pasay City Mayor Wenceslao "Peewee" Trinidad ang pinagtulungang gulpihin at pagkatapos ay pagbabarilin ng isang grupo ng kabataan, kamakalawa ng gabi sa nabanggit na lungsod.
Hindi na umabot ng buhay sa San Juan de Dios Hospital ang biktimang si Jaime Polhen III, nakatira sa #7-B Kaligtasan st., Pasay City.
Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nakikilala ang tumakas na mga suspek.
Lumalabas sa imbestigasyon ng Pasay police, dakong alas-11:45 kamakalawa ng gabi sa kanto ng Figueroa at Galvez sts. ay nakatayo ang biktima at grupo nito ng harangin at bugbugin ang isang binatilyo na dumaan sakay ng scooter. Nakatakas ang binatilyo at nagtatakbo sa takot, pero pagkaraan ng ilang oras ay rumesbak at kasama na ang grupo nito.
Naabutan ng grupo ang nag-iisang si Polhen at kanila itong pinagtulungang gulpihin hanggang sa pagbabarilin.
Ang biktima ay anak umano ng political leader ni Trinidad na hindi nabanggit ang pangalan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am