Namatay habang ginagamot sa San Juan de Dios Hospital si Mark Gil Cano, nakatira sa Sto. Nino, ng lunsod na ito.
Naaresto naman ang suspek na si Rolando Capsa, ng #204 G. Reyes st. nasabing lungsod.
Sa imbestigasyon ng Pasay City police trafic division, dakong alas-5 ng hapon ay inutusan ang biktima ng kanyang ina na hindi binanggit ang pangalan na bumili ng pagkain dahil nagugutom daw ang nasabing bata.
Habang papatawid ang biktima ay hindi nito namalayan ang paparating na jeep na biyaheng Baclaran-Blumentritt. Huli na ng mapansin ng driver at hindi na nito nakontrol pa ang preno at masagasaan ang paslit. (Ulat ni Lordeth Bonilla)