^

Metro

Akbayan humingi ng TRO sa SC para makapag-rally sa bahay ni Santiago

-
Hiniling kahapon ng grupong Akbayan sa Korte Suprema na balewalain ang temporary restraining order (TRO) na nagbabawal sa pagsasagawa ng kilos-protesta sa harap ng bahay at tanggapan ni Senator-Judge Miriam Defensor-Santiago.

Sa 13-pahinang petition ng Akbayan, hiniling nila na payagan sila ng Korte na muling makapagsagawa ng rally upang maipahayag nila ang kanilang nais sabihin sa senadora.

Iginiit ng Akbayan na walang karapatan ang Korte na mag-isyu ng TRO laban sa kanila dahil ang Senado anya ang may hurisdiksiyon dito dahil si Santiago ay isang miyembro ng Senate Impeachment Tribunal.

Magugunita na nagharap ng P5M danyos sa Korte si Santiago matapos nitong ituring na perwisyo ang ginagawang protesta ng Akbayan at iba pang militanteng grupo sa dalawa niyang anak at iba pang kasambahay.

"I was hurt to see my two young daughters trembled on fear after the rallyists blew a horn and banged at my gate," wika ni Santiago sa nauna nitong petisyon. (Ulat ni Grace Amargo)

AKBAYAN

GRACE AMARGO

HINILING

IGINIIT

KORTE

KORTE SUPREMA

MAGUGUNITA

SENADO

SENATE IMPEACHMENT TRIBUNAL

SENATOR-JUDGE MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with