Ika-6 suspek sa Federico rape-slay nasakote
January 17, 2001 | 12:00am
Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng Eastern Police District-Criminal Investigation Group (EPD-CIG) ang umanoy ika-anim na suspek sa kontrobersyal na Roselyn Federico rape-slay noong 1993 sa Marikina City.
Kasalukuyang nasa kustodya na ng EPD ang suspek na si Melvin Magbanua, 27, welder, ng Bgy. Mayha, Udiongan, Romblon. Iniharap na rin kay Judge Erlinda Uy ng Pasig RTC Branch 162 si Magbanua, dahil sa ito ang may hawak ng kaso ni Federico.
Inaresto ng mga tauhan ng CIG si Magbanua sa kanyang tinitirhan sa Romblon nitong nakaraang linggo. Itinanggi naman nito na siya ang Magbanua na hinahanap ng mga pulis dahil sa Marvin umano ang tunay niyang pangalan at hindi Melvin.
Nanawagan naman si Supt. Antonio Aguilar sa mga kamag-anak ng biktimang si Roselyn Federico na makipag-ugnayan sa kanila at kilalanin ang suspek.
Dahil sa reward money na P100,000 na ipinangako ng Department of Interior and Local Government (DILG), nakipag-ugnayan ang mga kapitbahay ni Magbanua sa Romblon sa pulisya at itinuro ito. Armado ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Uy, agad na nagtungo rito ang pulisya na nagresulta ng pagkaaresto nito.
Unang naaresto ng pulisya ang limang suspek sa naturang krimen noong Hulyo 1997 ngunit napawalang-sala ang mga ito dahil sa kakulangan ng ebidensya. Nagawa namang pabuksang muli ng pamilya ng biktima ang kaso sa ginawa nilang apela sa Korte Suprema.
Ayon kay Magbanua, hindi umano niya kilala si Federico at hindi siya kailanman tumuntong ng Marikina City sa kabila na nanirahan siya sa Cainta, Rizal na kalapit lamang ng lungsod.
Inamin nito na nanggahasa siya ng 15-taong gulang na babae noong 1997 at nakulong ng ilang linggo sa Cainta detention cell. Wala namang rekord ng pagkakulong ni Magbanua ang nakita sa rekord ng Cainta police. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am