2 miyembro ng human smuggling syndicate tiklo sa NAIA
January 16, 2001 | 12:00am
Naaresto ng mga tauhan ng intelligence unit ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang hinihinalang miyembro ng human smuggling syndicate na dumating sa bansa sakay ng magkakahiwalay na flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), kahapon ng umaga.
Si Tak Yee Nelly Cheuk, 35, tubong Hong Kong at sinasabing British national sa nakuhang passport dito ay galing ng bansang Nauru at sakay ng Airlines Nauru ng dumating dakong alas-9:13 ng umaga. Samantala ang kasama nitong si Douglas F.S. Yee, 50, holder ng Canadian passport, tubong Tai Shan, China at galing ng HK ay inaresto rin sa parehong kaso.
Napag-alaman na ang dalawang suspek na pawang transit passengers ang umeskort sa 22 Chinese national na kasama nilang dumating kahapon at patungong Nauru kung saan ginamit ang bansa bilang jump-off point.
Nakuha sa mga ito ang ibat ibang rubber stamp, immigration application, photo copy ng ibat ibang passport, visa application at mga plane ticket ng ibat ibang tao.
Itinanggi naman ng mga dayuhan ang nasabing akusasyon. (Ulat ni Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended