Pugante nasakote habang nakikipag-inuman
January 15, 2001 | 12:00am
Matapos ang mahigit sa 13 taong pagtatago sa batas sa kasong murder, isang 52-anyos na pugante ang naaresto ng pulisya habang masayang kahalubilo at kainuman ang kanyang malalapit na kaibigan sa kanyang bahay sa Pandacan, Maynila kahapon.
Kinilala ni Western Police District Homicide Chief Insp. Johnny Taluban ang suspek na si Danilo Reyes, alyas Danny Tisoy, may asawa, miyembro ng Commando Gang at residente ng 2961 Int. 15 Lorenzo dela Paz st., Pandacan.
Si Reyes ay matagal ng pinaghahanap ng batas dahil sa pagkakapaslang sa biktimang nakilalang si Forferio Bersoza, makaraang saksakin niya ito ng walong beses sa katawan bunga ng di pagkakaunawaan noong Marso 1988.
Makaraang mahatulan ng korte ng 8 hanggang 17 taong pagkakakulong, nagpasiya ng magtago si Reyes sa kanyang probinsiya hanggang sa lumaon ay nagbalik siya sa Pandacan kahapon at dito siya naaresto ng mga awtoridad. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended