Police major, 2 pa todas sa barilan
January 15, 2001 | 12:00am
Nasawi ang isang opisyal ng pulisya at dalawa pang lalaki matapos na sila ay pagbabarilin ng isa sa apat suspek na tumangging magpakapkap sa isang pubhouse kahapon ng madaling araw sa Pasig City.
Dead on the spot si Chief Inspector Danilo Balaysoche, 42, may-asawa, hepe ng Police Community Precint 9 ng Pasig at residente ng Block 41, Lot 9, Mabuhay Homes, Binangonan, Rizal dahil sa tinamong tama ng mga bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan. Samantala, ang kasamahan nitong si Wilfredo Francisco Jr., 44, may-asawa,ng Block 3, Lot 20, Tapayan, San Lorenzo Ruiz, Taytay Rizal ay hindi na umabot ng buhay sa Rizal Medical Center dahil sa tama sa leeg at braso habang ang isang hindi pa nakikilalang lalaki ay hindi na rin umabot ng buhay sa nasabing pagamutan dahil sa tama sa ulo.
Mabilis namang tumakas ang apat na suspek sakay ng isang Ford Fiera patungong C-5 Road, Makati City.
Sa pagsisiyasat ni PO3 Efren Calix na ang insidente ay naganap dakong alas-3:30 ng madaling araw sa harap ng Virgats Pubhouse na matatagpuan sa no. 12 San Guillermo st., Barangay Buting ng nasabing lungsod.
Nakatanggap umano ng tawag si Balaysoche mula sa isang empleyado ng nasabing pubhouse at inirereklamo ang apat na lalaki na pawang mga armado ng baril na nakatambay sa harapan.
Mabilis na rumesponde si Balaysoche kasama ang alalay na si Francisco. Dito ay agad na itinuro ng empleyado ang mga suspek na nilapitan ng una para kapkapan.
Tumanggi ang isa sa mga suspek at sa halip ay binunot nito ang kanyang baril at agad na pinaputukan si Balaysoche.
Kahit na may tama ay nagawang gumanti ni Balaysoche ngunit wala siyang laban sa apat na suspek. Tinamaan sa nasabing palitan ng putok si Francisco at ang hindi nakilalang lalaki.
Tinangay ng mga suspek sa kanilang pagtakas ang baril ni Balaysoche. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended