^

Metro

Taxi sinuwag ng truck: pasahero patay, driver grabe

-
Isang pasahero ang nasawi habang nasa malubhang kalagayan naman ang taxi driver makaraang suwagin ang taxi na sinasakyan ng mga biktima nang rumaragasang truck kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Ayon kay SPO1 Reynaldo Taruy, information desk ng Central Police District-Traffic Sector 1, nakilala ang nasawing biktima na si Leo Perono, 34, pasahero ng taxi at residente ng #17 Dama de Noche st., de Castro Subd., Sta. Lucia, Pasig City.

Nilalapatan naman ng lunas sa East Avenue Medical Center ang sugatang biktima na si Joel Burnis, 25, driver ng Reno taxi, may plakang PXR-141 ng #80 Oxford st., Cubao, QC. Naipit din ito sa kanyang manibela dahil sa halos natupi ang kanyang minamanehong taxi.

Nadakip naman ang suspek na si Romy Paralee, 37, may asawa, driver ng Isuzu cargo truck, may plakang PMD-576 at residente ng Bgy. Toro, Bocaue, Bulacan.

Sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Gonzalo Villasis, may hawak ng kaso, bandang alas-3 kahapon ng madaling-araw, papatawid ang taxi galing North Ave., kanto ng EDSA patungong West Avenue nang tumbukin at suwagin ng nasabing truck.

Wasak ang taxi na nagresulta sa pagkasawi ni Perono at grabeng pagkakasugat ni Burnis, samantalang ang suspek ay nakapiit ngayon at sasampahan ito ng kasong reckless imprudence resulting to homicide at serious physical injuries at damage to property. (Ulat nina Angie dela Cruz at Rudy Andal)

CASTRO SUBD

CENTRAL POLICE DISTRICT-TRAFFIC SECTOR

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

GONZALO VILLASIS

JOEL BURNIS

LEO PERONO

NORTH AVE

PASIG CITY

QUEZON CITY

REYNALDO TARUY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with