Pulis natagpuang patay sa jeep

Palaisipan sa mga imbestigador kung paano namatay ang isang bagitong pulis sa loob ng kanyang sasakyan sa parking lot ng Philippine Coast Guard Headquarters kamakalawa ng gabi sa Parola,Tondo.

Ang biktima ay nakilalang si PO2 Gregorio de Guzman, 45, may asawa, nakatalaga sa PNP Security Department sa Parola at residente ng Leveriza st., Pasay City.

Sa inisyal na pagsisiyasat, si de Guzman ay huling nakitang buhay sa loob ng conference room ng nasabing headquarters na nakikipag-usap sa kanyang mga kaibigan dakong alas-3:00 ng hapon.

Nagpaalam ito sandali at pupunta sa parking lot para tingnan ang kanyang jeep. Bandang alas-9:30 ng gabi ay natagpuan ng umiikot na security person ang biktima na nakalugmok sa loob ng sasakyan nito.

Handang isailalim sa awtopsiya ang bangkay ng biktima upang malaman ang naging kamatayan nito dahil sa walang nakita na anumang sugat sa katawan. (Ulat ni Ellen Fernando)

Show comments