Nangulila sa Christmas bonus, janitor nag-suicide

Dahil umano hindi alam kung saan maghahagilap ng pera matapos ubusin ng kanyang mga kamag-anak sa probinsiya ang kanyang nakuhang Christmas bonus tinapos ng isang janitor ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagtalon mula sa ika-apat na palapag ng gusali na kanyang pinapasukan kamakalawa ng hapon sa Sta. Mesa, Manila.

Nagkalasug-lasog ang katawan ng biktimang si Angelon Sangalan,48, may-asawa,ng 211 Marzan St., Sampaloc, Maynila dahil sa matinding pagkabagsak nito sa semento.

Sa report ng pulisya, huling nakitang buhay ang biktima na malungkot na nakaupo sa pasimano ng ika-apat na palapag ng pinapasukan nitong trabaho sa Eulogio ‘Amang’ Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST) Building sa Nagtahan, Sta. Mesa dakong alas-4:30 ng hapon.

Ayon sa ilang kasamahan sa trabaho ng biktima bago ito nagpakamatay ay dumadaing ito dahil inubos umano ng kanyang mga kamag-anak ang christmas bonus nang ito ay umuwi sa Bambang, Tarlac. (Ulat ni Ellen Fernando)

Show comments