'Psycho killer' gumagala sa Maynila
January 14, 2001 | 12:00am
Nagbabala ang pamunuan ng Western Police District sa publiko kaugnay sa umanoy isang psycho killer na kasalukuyang gumagala sa Maynila na nakapatay na ng dalawa katao sa isang motel sa Sta. Cruz at sa Sampaloc, Maynila.
Isang malawakang paghahanap ang isinasagawa ngayon ng WPD laban sa suspek na nakilalang si Elvis Turingan, 38, binata, walang hanapbuhay, tubong Cagayan at residente ng Tindalo st., Tondo.
Positibong kinilala ang suspek na si Turingan ng isang roomboy sa Honeymoon Lodge nang paslangin ng una ang biktimang si Roberto Carabao, 42, may asawa, ng Tabing-Ilog, Samal, Bataan sa loob ng naturang motel sa Rizal Avenue st., Sta. Cruz, Maynila.
Naka-check-in umano sa nasabing motel si Carabao at misis nitong si Jocelyn bandang alas-11:20 ng gabi noong Disyembre 21, 2000.
Lumabas lamang si Jocelyn kasama ang biktima upang bumili ng yelo at nang magtungo sa counter ng motel upang ipatago ang kanilang susi sa Room 4 ay dumating ang suspek at walang sabi-sabing nilapitan ang biktima at binaril.
Nagawa pang makatakbo ng biktima subalit hinabol siya ng suspek at muling binaril.
Mabilis na isinugod ng mga roomboy ang biktima sa Jose Reyes Memorial Medical Center subalit makalipas ang isang araw sa pagamutan ay namatay din.
Malaki rin ang paniwala ng pulisya na ang suspek din ang may kagagawan sa naganap na pagbaril at pagpatay sa biktimang si Dolphy Jamuad, 34, ng Quirino Highway, Novaliches, Quezon City.
Habang nakatayo si Jamuad sa may harapan ng Tandem theater sa C.M. Recto ay binaril ng isang .45 kalibreng pistola at ito ay dead-on-arrival sa Mary Chiles Hospital.
Nabatid sa pulisya na ang suspek ay kilalang kilabot na snatcher, holdaper at kasapi sa sindikato ng carnapping sa Maynila. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended