^

Metro

Bangkay ng Pinoy seamen dumating

-
Dumating na sa bansa kahapon ang anim na Pinoy seamen na pawang nasawi makaraang tumaob ang sinasakyan nilang cargo vessel sa trahedyang naganap sa karagatan ng Japan noong nakaraang Linggo, pahayag ni Edmund Eddun, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) officer sa NAIA.

Ang mga biktima ay nakilalang sina Crispin Gelleganic; Henry Quinoz; Rodolfo Trono; Josie Rollie Lacopa; Juanito Bangcal, na pawang tubong Iloilo, at isang delos Reyes ng Caloocan City.

Pinalad namang makaligtas ang limang sina Eric Dedel, Eddie Naval, Rodolfo Amante, Geronimo Manalo at Michael Arche.

Ang mga Pinoy ay sakay ng MV "Y" Kua at naglalayag dakong madaling araw noong Enero 7 ng makasagupa ang malaking alon at ipaghampasan ang barko na sanhi para ito tumaob at malunod ang mga tripulante.

Tiniyak naman ni OWWA Administrator Eli Gardiner ang tulong pinansiyal para sa mga biktimang Pinoy seamen. (Ulat ni Butch Quejada)

ADMINISTRATOR ELI GARDINER

BUTCH QUEJADA

CALOOCAN CITY

CRISPIN GELLEGANIC

EDDIE NAVAL

EDMUND EDDUN

ERIC DEDEL

GERONIMO MANALO

HENRY QUINOZ

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with