Ayon kay C/Supt. Renato Paredes, director ng PNP-TMG, minamaneho ng isang Ric Villanueva ng Mandaluyong City ang Nissan Safari na may plakang REC-999 ng harangin ng mga ahente ng Anti-Carnapping Unit sa Rosario, Pasig City noong Huwebes ng gabi dahil sa umanoy pekeng plaka.
Nang sitahin ay "ikinanta" ni Villanueva na si Mayor Eusebio ang may-ari ng naturang sasakyan.
Base sa LTO Certificate of Registration at Original Receipt, ang orihinal na plaka ng Nissan ay WKS-475 at pag-aari ng isang Richard Eusebio na sinasabing kaanak ng alkalde. Ang plate number na REC-999 ay nakarehistro naman sa isang Range Rover. Hindi naman madetermina kung paanong nalipat sa mayor ang ownership ng Nissan.
Bukod sa ilegal na paglilipat ng plate number ay napatunayang lumabag din ang may-ari ng Nissan sa iba pang batas ng LTO tulad ng illegal na paggamit ng sirena at blinkers.
Habang sinusulat ang balitang ito ay ini-release na ng PNP-TMG ang naturang sasakyan sa hindi nabatid na dahilan. (Ulat ni Joy Cantos)