^

Metro

Nissan ni Mayor Eusebio kinumpiska

-
Kinumpiska ng mga operatiba ng PNP-Traffic Management Group ang umano’y sasakyan ni Pasig Mayor Vicente Eusebio matapos mabatid na peke umano ang plate number nito.

Ayon kay C/Supt. Renato Paredes, director ng PNP-TMG, minamaneho ng isang Ric Villanueva ng Mandaluyong City ang Nissan Safari na may plakang REC-999 ng harangin ng mga ahente ng Anti-Carnapping Unit sa Rosario, Pasig City noong Huwebes ng gabi dahil sa umano’y pekeng plaka.

Nang sitahin ay "ikinanta" ni Villanueva na si Mayor Eusebio ang may-ari ng naturang sasakyan.

Base sa LTO Certificate of Registration at Original Receipt, ang orihinal na plaka ng Nissan ay WKS-475 at pag-aari ng isang Richard Eusebio na sinasabing kaanak ng alkalde. Ang plate number na REC-999 ay nakarehistro naman sa isang Range Rover. Hindi naman madetermina kung paanong nalipat sa mayor ang ownership ng Nissan.

Bukod sa ilegal na paglilipat ng plate number ay napatunayang lumabag din ang may-ari ng Nissan sa iba pang batas ng LTO tulad ng illegal na paggamit ng sirena at blinkers.

Habang sinusulat ang balitang ito ay ini-release na ng PNP-TMG ang naturang sasakyan sa hindi nabatid na dahilan. (Ulat ni Joy Cantos)

ANTI-CARNAPPING UNIT

CERTIFICATE OF REGISTRATION

JOY CANTOS

MANDALUYONG CITY

MAYOR EUSEBIO

NISSAN

NISSAN SAFARI

ORIGINAL RECEIPT

PASIG CITY

PASIG MAYOR VICENTE EUSEBIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with