Sintunado pinatay ng nairitang lasing
January 13, 2001 | 12:00am
Dahilan sa sintunadong pagkanta ng awiting "Balatkayo," isang 34-anyos na lalaki ang pinatay sa saksak ng isang lasing na nairita umano sa boses ng una habang kumakanta, kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.
Namatay mismo sa Mylene karaoke and videoke club sa Letre road sanhi ng dalawang saksak sa dibdib ang biktimang si Antonio Conde, tire vendor at residente ng Letre, Bgy. Malabon, habang nadakip ang suspek na si Marlon Quinzon, 30.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas 12:30 ng madaling-araw ay masayang nakikipag-inuman ang biktima kasama ang ilang kaibigan ng maisipan ni Conde na kumanta ng awiting "Balatkayo" na pinasikat ni Anthony Castelo.
Habang kumakanta ay nagsimula umanong mairita ang suspek. Bigla itong tumayo at nilapitan ang biktima sa lamesa nito at walang sabi-sabing bumunot ng patalim at pinagsasaksak ang biktima. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended