^

Metro

4 trafficker nasakote

-
Apat na pinaghihinalaang big-time drug trafficker kabilang ang isang Chinese ang naaresto ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group na nagresulta sa pagkakasamsam ng P2M shabu sa dalawang magkakahiwalay na operasyon sa Parañaque City at Maynila.

Kinilala ang naarestong Chinese drug trafficker na si Zhuang Shu Shaw alyas Wilson Cheng, 39, ng Banawe,QC.

Si Cheng ay nadakip sa isang follow-up buy-bust operation sa kahabaan ng C. Playa st., Balut, Tondo, matapos malambat ang tatlo nitong kasamahan.

Kabilang din sa mga nasakoteng drug trafficker suspek sina Neneth Gomez, 30, ng Malabon; Julie Barleta at Wilma Angeles, 18; pawang ng Muntinlupa City. Ang tatlo ay naunang nahulog sa isinagawang buy-bust operation sa bisinidad ng Max restaurant sa Baclaran, Parañaque City.

Nasamsam sa mga ito ang may isang kilo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P2M. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

APAT

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

JOY CANTOS

JULIE BARLETA

MUNTINLUPA CITY

NENETH GOMEZ

SI CHENG

WILMA ANGELES

WILSON CHENG

ZHUANG SHU SHAW

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with