Lim sinusuyo pa ring ’wag kumandidatong mayor
January 11, 2001 | 12:00am
Patuloy na pinakikiusapan nina Pangulong Estrada at Philippine Ambassador to Washington Ernesto Maceda si DILG Secretary Alfredo Lim na kumandidato na lamang ng senador at hayaan na lang si Manila Mayor Lito Atienza.
Ayon kay Maceda, itinalagang campaign manager ng LAMP sa halalan sa Mayo, talagang desididong tumakbong mayor ng Maynila si Lim dahil sinabi nitong uurong siya ng kandidatura sa pagka-mayor kung hindi rin tatakbo si Mayor Atienza.
Kung ganito aniyang desidido si Lim na kumandidato uli sa Maynila, malamang na ideklara nilang "free zone" ang siyudad. (Ulat ni Lilia A. Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended