Ayon kay Roger Dolores, spokesperson ng grupo, ayaw na nilang makipag-usap sa sinumang opisyal ng QC kahit na kay Mayor Mel Mathay dahil kahit iginiit nila ang pagpapasara sa dumpsite ay wala naman silang ginagawa.
Kaugnay nito, nanawagan ang Kadamay sa korte na simulan na ang paglilitis sa kasong damage suit na isinampa laban kay Mathay dahil labag umano sa batas ang ginawa nitong pagbubukas sa Payatas.
Disyembre 31, 2000 dapat ipinasara ang Payatas dumpsite pero muling binuksan ng walang mapagtapunan ng basura ang QC matapos isara ang San Mateo landfill sa lalawigan ng Rizal. (Ulat ni Angie dela Cruz)