^

Metro

Security personnel ng House ipapa-drug test

-
Dahil sa nangyaring barilan noong nakaraang Biyernes ng gabi sa House of Representatives kung saan dalawang security personnel ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng kanilang kasamahan, isasailalim sa drug test at re-training ang lahat ng security personnel sa Kongreso.

Ayon kay Bukidnon Rep. Miguel Zubiri, kauna-unahan sa kasaysayan ng Kongreso ang nangyaring barilan at dapat magsagawa ng isang masusing imbestigasyon ang Kamara hinggil dito.

Sinabi ni Zubiri na hihilingin niya sa liderato ng Kamara na ipa-drug test, ire-training at isailalim din sa psychological, re-evaluation at gunhandling safety ang mga security personnel nito.

"Dapat tayong makasiguro na karapat-dapat na italagang security personnel itong mga nagbabantay sa House dahil baka bigla na lamang mamaril ang mga ‘yan sa sandaling uminit ang kanilang ulo," wika ni Zubiri.

Magugunita na napatay sina retired Navy Capt. Roselo Ylagan, director ng House Legislative Security Bureau (LSB) at senior LSB officer Gerald Rallos, matapos silang pagbabarilin ng 9mm pistol ng suspek na si Renato dela Cruz, isang LSB security guard.

Ang pagkamatay ng dalawang opisyal ay matapos kuwestiyunin ng suspek ang kanyang schedule dahil hindi umano nito nagustuhan ang pang-gabing duty. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BUKIDNON REP

GERALD RALLOS

HOUSE LEGISLATIVE SECURITY BUREAU

HOUSE OF REPRESENTATIVES

KAMARA

KONGRESO

MALOU RONGALERIOS

MIGUEL ZUBIRI

NAVY CAPT

ROSELO YLAGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with