^

Metro

Pista sa Quiapo babantayan vs terorista

-
Itinaas kahapon sa full red alert status ng Western Police District (WPD) ang hanay ng kapulisan nito matapos makatanggap ng intelligence report na nakatakda na namang maghasik ng kaguluhan ang grupong teroristang Muslim sa Metro Manila at ang target na guluhin ay ang nakatakdang pagdiriwang ng kapistahan ng milagrosong santo ng Black Nazarene sa simbahan ng Quiapo.

Sa direktiba ni WPD chief Director Gen. Avelino Razon, ipinakalat ang may 270 unipormadong pulis na 24-oras na magmamanman upang masiguro ang kaligtasan at kaayusan ng mga deboto na dadagsa sa Quiapo church para makiisa sa pagseselebra ng kapistahan ng Quiapo.
Ang aksiyon ni Razon ay bunga ng patuloy na lumalabas na mga report na maaaring muling maghasik ng lagim ang grupo tulad ng naganap na pagsabog sa LRT.

Inamin ni Razon na malaki ang posibilidad na sa ganitong pagkakataon na maraming tao ay hindi malayong samantalahin ng mga terorista na maghasik ng kaguluhan upang madiskaril ang mapayapang gagawing kapistahan.

Ang 400 taong-gulang na istatwa ng Black Nazareno ay ilalabas sa simbahan ng Quiapo dakong alas-3 ng hapon kasunod ng prusisyon sa lansangan na nasasakupan ng nasabing lugar.

Kasabay nito ay hiniling ng pamunuan ng WPD sa mga motorista na makabubuting iwasan muna ang mga kalsada sa palibot ng Quiapo church para hindi maipit sa masikip na daloy ng trapiko. (Ulat ni Ellen Fernando)

AVELINO RAZON

BLACK NAZARENE

BLACK NAZARENO

DIRECTOR GEN

ELLEN FERNANDO

INAMIN

ITINAAS

METRO MANILA

RAZON

WESTERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with