EPD bibili ng K9 dogs vs bomba
January 7, 2001 | 12:00am
Upang makatiyak na hindi susunod na maging biktima ng pambobomba ang malalaking malls, nakatakdang bumili ng mamahaling K9 sniffing dogs ang Eastern Police District (EPD).
Tanging EPD at Northern Police District (NPD) lamang ang walang naganap na insidente ng pambobomba, pero nagsimulang makatanggap ng bomb threats na susunod na target ang EPD dahil narito ang ilang sikat at sosyal na malls sa Metro Manila.
Ayon kay EPD Director Sr. Supt. Simeon Dizon Jr. imumungkahi niya na pondohan ang pagbili ng mga aso kina Mandaluyong Mayor Benhur Abalos Jr., Pasig Mayor Vicente Eusebio, Marikina Mayor Bayani Fernando at San Juan Mayor Jinggoy Estrada.
Inihalimbawa ng opisyal ang ginawang pagbili ng Caloocan ng tatlong aso na kinabibilangan ng Labrador at Belgian Malinois Breed na ginamit bilang pag-iwas sa pambobomba. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am