Shabu itinali sa 'pubic hair'

Tatlong preso sa Pasay City Jail ang nahuli sa akto na nagsasagawa ng pot session sa loob ng kanilang selda matapos ipuslit ng dati nilang kasamahang bilanggo ang hindi pa mabatid na gramo ng shabu na nakalagay sa plastic at itinali sa "pubic hair" nito.

Sa sorpresang pagsalakay ng mga kagawad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa pamumuno ni Insp. Josephine Pacadaljan, huli sa aktong sumisinghot ng droga sina Fernando Sison, 42; Arturo Flores, 31, kapwa may kasong droga, at Hector Espina, 30, may kasong pagpatay. Panibagong kaso ang kinakaharap ng mga ito.

Ayon sa bilanggong si Sison, isang dating kasamahan nilang preso na nakilala sa pangalang Henry Alvarez ang nagdala sa kanila ng droga at ipinuslit ito sa pamamagitan ng pagtali sa pubic hair nito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments