Pekeng US dollar kumakalat
January 6, 2001 | 12:00am
Inalarma ng pulisya ang publiko laban sa kumakalat na pekeng US dollar makaraang isang negosyante ang mabiktima ng tatlong hindi nakilalang lalaki na bumili sa una ng ibat ibang kagamitan at ang ipinambayad ay pinaniniwalaang fake $400 bills, kamakalwa sa Parañaque City.
Sa reklamo ni Ruben Saldana, ng #7 Jordan st., Bgy. Don Bosco, ng nabanggit na lungsod, tinangay ng mga suspek ang apat na DVD
Sony player, isang wireless microphone, calculator at electric fan na may kabuuang halaga na mahigit P24,000.
Nabatid na ang mga suspek ay dumating sa kanyang tindahan sa Dona Soledad kanto ng Ethiopia st., Bliss na sakay ng isang AUV van na kulay asul at walang plaka. Bumili ang mga ito sa kanyang helper na si Dexter Ecomienda ng nabanggit na mga kagamitan, pero wala umanong peso bill kaya ang ipinambayad ay dollar na nagkakahalaga ng $400.
Subalit nagduda si Saldana sa itsura ng nasabing pera kaya mabilis itong nagsumbong sa pulisya, pero nakatakas na ang mga suspek.
Kasalukuyang sinusuri sa Central Bank ang naturang dollar kung peke nga, kasabay ng babala sa publiko na mag-ingat. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest