^

Metro

2 takas na Koreano nasakote ng Bureau of Immigration

-
Dalawang puganteng Korean nationals na wanted sa kanilang bansa ang naaresto ng Bureau of Immigration (BI) sa kasong large-scale fraud at estafa.

Sina Hae Kuk Shin at Kunm Ji Park ay naaresto ng miyembro ng BI Intelligence Division sa kanilang tahanan sa #19 Engineering st., Science Ville, Better Living Subd., Parañaque City na kanilang pinagtaguan mula nang dumating ang mga ito sa Pilipinas noong Nobyembre.

Ipinag-utos na ni Immigration Commissioner Rufus Rodriguez ang pagpapatapon sa mga dayuhan dahil sa pagiging undocumented aliens nito na naging dahilan upang ikansela ang kanilang pasaporte ng pamahalaang Korean.

Ayon sa Korean Embassy sa Maynila, sina Shin at Park ay pawang mga wanted ng Korean National Police sa kasong occupational embezzlement na kung saan ay sangkot ito sa US$500M real estate fraud na kanilang ginawa noong 1993.

Naaresto ang mga dayuhan makaraang may magturo sa kinaroroonan ng mga ito sa BI agents.

Idinagdag pa ni Rodriguez na itinala na sa immigration blacklist ang dalawa upang hindi na makapasok pang muli sa bansa. (Ulat ni Jhay Mejias)

BETTER LIVING SUBD

BUREAU OF IMMIGRATION

IMMIGRATION COMMISSIONER RUFUS RODRIGUEZ

INTELLIGENCE DIVISION

JHAY MEJIAS

KOREAN EMBASSY

KOREAN NATIONAL POLICE

KUNM JI PARK

SCIENCE VILLE

SINA HAE KUK SHIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with