Kinilala ni P/Supt. John Sosito, hepe ng Pasig police ang nawawalang si Ismael Abbas, 39, may asawa, operator ng taxi at nakatira sa #55-E Banaag st., Purok 2 Bgy. Pineda nabanggit na siyudad.
Nabatid na naganap ang pagdukot dakong alas-9:30 ng umaga nitong Miyerkules habang naghihintay ang biktima ng masasakyang dyip sa harap ng sari-sari store ng biglang sumulpot ang anim na lalaki na sakay ng isang L-300 van at isinakay si Abbas.
Ayon sa ilang saksi, sinabihan umano sila ng mga suspek na wag makialam dahil police operation yon.
Ang pagdukot ay inireport ng pinsan ng biktima na nakilala lamang sa pangalang Alinden.
Nag-utos na si P/Sr. Supt. Simeon Dizon Jr. na madaliin ang paghahanap sa biktima habang hinahanapan naman ng pulisya ng kaugnayan ang nasabing pagdukot sa tensiyong namamagitan sa militar at MILF hinggil sa naganap na bombing noong Rizal Day. (Ulat ni Danilo Garcia)