Maid na nanunog ng bahay ng amo kinasuhan, di pinagpiyansa
January 5, 2001 | 12:00am
Walang inirekomendang piyansa ang Manila Prosecutors Office laban sa isang 23 anyos na katulong na umaming sinunog niya ang bahay ng kanyang amo matapos hindi ibigay ang isat kalahating taong suweldo nito na ikinamatay ng anim katao, sa Tondo, Maynila noong nakaraang Martes.
Inilipat na kahapon sa Manila City Jail matapos sampahan ng kasong consummated arson with multiple homicide ang suspek na si Edna Malngan, tubong General Santos City mula sa San Lazaro Fire Department sa Sta. Cruz kung saan una siyang sumailalim sa masusing imbestigasyon kasunod ng pagkakaaresto dito matapos ang insidente.
Ayon kay Fiscal Jovencio Senados, masasabing isang karumal-dumal na krimen at karapat-dapat lamang na mapatawan ng mabigat na parusang kamatayan ang naturang katulong.
Base sa report, si Malngan ay tatlong taon nang naninilbihan sa pamilya Separa. Bago ang insidente, hiniling umano nito sa kanyang amo na ibigay ang kanyang suweldo para sa pag-uwi niya sa kanilang probinsiya upang doon magselebra ng kapaskuhan, pero hindi siya pinayagan.
Ayon sa suspek, sinabi nito sa amo na kahit pamasahe na lamang ay bigyan siya pero sinagot anya siya ng amo na sumakay na lang ito sa walis-tingting. Dito na umano nagtanim ng galit ang suspek.
Bukod dito, inamin ni Malngan na madalas siyang minamaltrato ng pamilya Separa.
Nitong nakaraang Enero 2, dakong alas-5:05 ng madaling-araw ay binuhusan ng paint thinner ng suspek ang dalawang palapag na apartment at sinilaban habang mahimbing na natutulog ang mga nasawing sina Roberto Separa, asawa nitong si Virginia, kapwa 45 anyos, apat na anak nilang sina Michael, 24; Daffny, 18; Priscilla, 14, at Roberto Jr. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended