Metro residents pinag-iingat sa patakbuhing mga gamot

Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang mga residente ng Maynila sa kanilang pagbili ng gamot at iba pang antibiotics makaraang suspindihin ng DOH sa loob ng isa hanggang dalawang taon ang accreditation ng may 15 phamaceutical companies na napatunayang nagsu-suplay ng substandard quality ng mga gamot.

Ayon kay Health Sec. Alberto Romualdez Jr., base sa serye ng laboratory tests na ginawa ng Bureau of Food and Drugs, lumilitaw na lumabag ang 15 drug companies sa itinakdang kalidad ng gamot na dapat ibenta sa publiko. Kaya mahina ang epekto ng ilang gamot at antibiotics sa pasyente ay dahil na rin sa patakbuhin ang mga ito sa kabila na ang brand o generic names ay nagpapakilala ng kahusayan nito.

Nangunguna sa listahan ng mga sinuspindi ang Phil. Pharmawealth Inc. (PPI), Drugmakers Biotech Research Lab (9 products); Philmed Lab Inc. (2 products), Hizon Lab Inc. (1), San Marino Lab Corp. (9), Diamond Lab Inc. (4), J.B. Orchids (1), Danlex Research Lab Inc. (2), Myrex Ethica Lab Inc. Duopharma Trade Phils., Inc. at Ashtor Lab (3). (Ulat ni Andi Garcia)

Show comments