Maid na hindi pinasahod ng amo nanunog ng bahay: 6 patay
January 3, 2001 | 12:00am
Anim na buhay ang naging kapalit ng mahigit isang taong hindi pagpapasuweldo ng isang businessman-contractor sa isang maid makaraang sunugin nito ang dalawang palapag na bahay sa Tondo, Manila, kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ang mga natusta nang buhay na sina Roberto Separa, 45, ang maybahay at mga anak nito na sina Virginia, 45; Michael, 24; Danny, 18; Priscilla, 14; at Junior, 11, pawang mga residente ng 174 Moderna st., Balut, Tondo.
Ang suspek na kaagad din namang nasakote ng mga opisyal ng barangay makaraang magtangkang tumakas ay nakilalang si Edna Maingan, 22.
Sa imbestigasyon ni C/Insp. Fannimore Jaudian, hepe ng arson division ng Manila Fire Dept., nagsimula ang sunog dakong alas-5:05 ng umaga sa ikalawang palapag ng tahanan ng mga biktima.
Nauna rito ay nabatid na naniningil na ang suspek ng kanyang suweldo na hindi nababayaran mula Agosto 1999 upang magamit nito ngayong Pasko pero hindi siya binayaran.
Nagmakaawa umano ang suspek na kahit pamasahe ay bigyan na lamang siya para makauwi pero sa halip na siya ay bigyan ay ininsulto umano ito at sinabihang sumakay na lamang sa walis-tingting.
Dahil dito ay nagtanim ng sama ng loob ang suspek at inamin nitong sinunog niya ang bahay ng amo sa pamamagitan ng pagbuhos ng ilang litrong thinner sa stock room ng nasabing tahanan.
Tinatayang umaabot sa P2.5M ang halaga ng natupok kabilang na ang anim pang bahay na katabi.
Dakong alas-6:15 ng umaga nang maapula ang apoy. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended