Kinilala ni Capt. Rey Bustillo, immigration officer-on-case, ang limang nagpanggap na Korean na sina Eun Jung Han, Jun Euk Park, Oh Shir Kweon, Kyung Mi Kim at Hye Won Kim.
Samantala ang nagpakilalang siyay isang Pinoy ay nakunan ng passport na may pangalang Noli Alcantara Chua, 29.
Nabigong makuha ang mga Chinese names ng mga suspek dahil sa kawalan ng interpreter.
Ayon kay Bustillo, ang limang nabanggit ay walang arrival entry sa BI computer ng dumating sa bansa. Papunta sana sa Venice ang mga ito at sasakay ng Lufthansa Airlines ng maharang.
Samantala si Chua ay aalis naman patungong US pero hindi makapagsalita ng Tagalog ng kausapin sa immigration hanggang sa mabuking na peke ang Philippine passport nito.
Nakatakdang pabalikin sa kani-kanilang bansa ang mga dayuhan matapos iutos ang deportation sa mga ito. (Ulat ni Butch Quejada)