^

Metro

Ban sa pagpapaputok sa Metro ipinatupad

-
Nagpalabas ng mahigpit na direktiba si National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director, General Edgar Aglipay ng pagbabawal sa lahat ng uri ng paputok sa buong kalakhang Maynila na nagdudulot ng kapahamakan sa tuwing sasapit ang Bagong Taon.

Aarestuhin at kulong ang magiging parusa sa mga lalabag base sa operational guidelines na pinatutupad ng nasabing tanggapan.

Inatasan na ni Aglipay ang limang district director ng Metro Manila na alertuhin ang kanilang mga tauhan.

Binalaan din ni Aglipay ang lahat ng kanyang mga tauhan na tatanggalin sa serbisyo ang sinumang magpapaputok ng baril habang isinasagawa ang pagsalubong ng taong 2001.

Magpapatupad ng firearms inspection at random check sa lahat ng pulis upang malaman kung ang mga ito ay nagpaputok ng kanilang baril.

Hinikayat ang publiko na gumamit na lang ng torotot, pagbubusina ng mga sasakyan at pagkalampag ng mga kaldero at kawali imbes na firecrackers. (Ulat nina Angie dela Cruz/Lordeth Bonilla)

AARESTUHIN

AGLIPAY

ANGIE

BAGONG TAON

BINALAAN

CRUZ

GENERAL EDGAR AGLIPAY

LORDETH BONILLA

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with