^

Metro

Hapon hulog sa gusali

-
Isang Japanese national na nakatakdang ikasal sa nobya niyang Pinay sa darating na Enero ang nahulog mula sa ika-apat na palapag ng tinutuluyang gusali makaraang mawalan ng panimbang habang nakaupo sa balkonahe sa Sta. Mesa, Maynila kahapon ng madaling araw.

Namatay habang ginagamot sa Orthopedic Hospital ang biktimang si Doki Shirashima, 49, binata, tubong Bunkyo-Ko, Japan at pansamantalang nanunuluyan sa Room 43 ng Sisval bldg. sa #1908 Arellano st. Pureza, Sta. Mesa.

Sa pagsisiyasat ni SPO1 Benito Cabatbat ng WPD Homicide section, kagagaling lamang ng biktima kasama ang kanyang nobyang si Maribel Mendoza mula sa pamimili sa Glorietta Mall sa Makati City ng maisipan ng biktima na umupo sa bakal ng kanilang terrace.

Sinabi ni Mendoza na iniwan niya sandali ang katipan na nagsisindi ng sigarilyo pero ilang sandali pa ay nakarinig siya ng sigaw mula sa lalaki at ng kanyang puntahan ay wala na ito sa kinauupuan nito. Nang silipin niya sa ibaba ay nakitang nakabulagta ang biktima sa ground floor.

Malaki ang paniwala ng pulisya na nadulas ang biktima habang nakaupo at nalaglag. Gayunman, nagsasagawa pa ng imbestigasyon kung may foul play sa insidente.

Si Shirashima ay dumating sa bansa nitong Disyembre 23 upang dito magdiwang ng kapaskuhan kapiling ang kasintahan. Matapos ang kanilang pagpapakasal sa Enero 2001 ay babalik sa Japan ang dalawa. (Ulat ni Ellen Fernando)

BENITO CABATBAT

DOKI SHIRASHIMA

ELLEN FERNANDO

ENERO

GLORIETTA MALL

ISANG JAPANESE

MAKATI CITY

MARIBEL MENDOZA

ORTHOPEDIC HOSPITAL

SI SHIRASHIMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with