Sako ng paputok sinindihan ng lighter: Mag-anak natusta
December 29, 2000 | 12:00am
Anim katao ang natusta kabilang ang umanoy dalawang pulis na sinasabing nagsindi ng lighter sa sako na naglalaman ng mga paputok na dahilan ng pagkatupok ng isang bahay na nagbebenta nito, kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.
Nakulong at kasama ng bahay na nilamon ng apoy ang mag-anak na Herminia Rivera, 61, mga anak na Eduardo, 37, at Julieta Rivera, apong si Ron Ron Rivera, 9, pawang residente ng #247 Navarrete st., Bgy. Arkong Bato at ang dalawang hindi nakikilalang lalaki na pinaghihinalaang mga pulis.
Sa ulat ni C/Insp. Efren Yadao ng Valenzuela fire department, dakong alas-9 kamakalawa ng gabi bago ang pagsabog ay ilang kapitbahay ng mga biktima ang nakakita sa dalawang lasing na mga lalaki na hinihinalang mga pulis na pumasok sa bahay ng pamilya Rivera na isang residential compound upang umanoy humingi ng ipinagbibiling paputok.
Hindi nagbigay ang matandang Rivera at nagalit ang dalawa. Isa sa mga ito na may hawak na lighter ang sinindihan ang isang sako na naglalaman ng mga paputok dahilan para sumiklab ito at sumabog na lumikha ng sunog.
Maaari umanong nananakot lamang ang dalawang lalaki sa matandang Rivera pero hindi akalain ng mga ito na pati sila ay madadamay.
Nabatid na 30 taon na umanong gumagawa ng paputok ang kanilang pamilya at itoy pinamamahalaan ni Aling Herminia. Ito lang umano ang negosyong ikinabubuhay ng pamilya Rivera. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest