^

Metro

Dalaga tumangging isuko ang pagkababae, binigti ng nobyo

-
Isang 19-anyos na dalaga na tumangging isuko ang pagkababae sa umano’y adik na nobyo ang binigti at napatay ng huli, kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Hindi na umabot ng buhay sa Valenzuela District Hospital si Marilyn Magbuo, 4th year graduating student ng #439 Pacheco st., Tondo, Manila at anak ng isang kagawad ng Barangay 67 Zone 6 District 1, Tondo.

Pinaghahanap na ang suspek na si Edgar Allan Villarico, 24, tricycle driver ng #121 Captain Cruz st., Parada, Valenzuela City.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Valenzuela police, dakong alas-11 ng gabi ng maganap ang insidente sa loob ng kuwarto ng bahay ng suspek.

Ayon sa ilang kapitbahay, nakarinig sila ng kalabog at malakas na iyak ng babae mula sa silid ng suspek na huminto rin makalipas ang ilang sandali.

Ang kaguluhan ay ipinagbigay-alam ng mga kapitbahay sa ama ng suspek hanggang sa pakiusapan ng ama ang kanyang anak na buksan ang pinto.

Ilang saglit pa ay lumabas ng bahay ang suspek na may bitbit na bag at saka muling ikinandado ang pintuan at umalis ng walang paalam.

Pagkaalis ng suspek ay sapilitan namang sinira ng ama at mga kapitbahay ang kandado at dito bumulaga sa kanila ang biktima na nakahandusay sa sahig at may nakapulupot na kordon ng plantsa sa leeg nito.

Napag-alaman pa mula sa isang ayaw magpabanggit na saksi na bago ang naturang insidente ay nasilip niya sa butas ng dingding ng bahay ng suspek ang tatlong di kilalang lalaki at si Villarico na pawang sumisinghot ng shabu habang ang biktima ay nakaupo sa isang silya.

Matapos suminghot ng shabu ang suspek ay pinaalis na nito ang kanyang mga kaibigan saka naman inumpisahang halayin ang nobya.

Nang tumanggi ang dalaga at manlaban ay pinatay ito. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

AYON

CAPTAIN CRUZ

EDGAR ALLAN VILLARICO

GEMMA AMARGO

ILANG

ISANG

MARILYN MAGBUO

SUSPEK

VALENZUELA CITY

VALENZUELA DISTRICT HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with