^

Metro

250 kilo ng shabu kuha sa condo raid

-
May 250 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng kalahating milyong piso ang nakumpiska kahapon ng mga elemento ng National Bureau of Investigation (NBI) na nagresulta sa pagkakadakip ng isang hinihinalang drug dealer sa isinagawang raid sa Pasay City.

Kinilala ni NBI acting director Carlos Caabay ang suspek na si Geron delos Santos, alyas Jun, 21, binata, janitor at kasalukuyang naninirahan sa #1717 Maceda st., Sampaloc, Manila.

Nabatid sa imbestigasyon ng NBI-Special Task Force na pinamumunuan ni Atty. Max Salvador, na ilang linggo nilang minatyagan ang Somerset Mansions Tower na nasa Leveriza st., Pasay City matapos makatanggap ng impormasyon na ginagamit umano itong safehouse ng ilang big-time drug dealers.

Naging positibo ang report nang isang security guard sa nasabing condominium ang tumawag sa kanilang tanggapan at isinumbong na isang plastic ng shabu ang nakita nito sa pag-iingat ni delos Santos.

Kamakalawa ay sinalakay ng NBI ang Unit 706 at nadiskubre sa kuwarto ang ilang travelling bags na naglalaman ng shabu at matataas na kalibre ng baril na kinabibilangan ng handguns, mga bala, grenade triggers, bullet proof vests at granada.

Inamin ni delos Santos na nakapagbenta na siya ng shabu, walong assault rifles at handguns sa tulong ng kanyang mga kaibigan.

Sa rekord ng Somerset, isang Sandra Lim ang nakarehistrong may-ari ng Unit 706 at kasosyo sa pagbabayad ng upa ang ilang Korean at Taiwanese nationals na pinaniniwalaang sangkot din sa illegal na operasyon.

Isang manhunt operation na ang inilunsad ng NBI para sa ikadarakip ni Lim na nagtatago sa pangalang Sandra Cam at Sandra de Villa. (Ulat nina Grace Amargo at Ellen Fernando)

vuukle comment

CARLOS CAABAY

ELLEN FERNANDO

GRACE AMARGO

MAX SALVADOR

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PASAY CITY

SANDRA CAM

SANDRA LIM

SOMERSET MANSIONS TOWER

SPECIAL TASK FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with