Player ng Barangay Ginebra nanakit ng ex-lover
December 28, 2000 | 12:00am
Isang player ng Philippine Basketball Association (PBA) mula sa koponang Barangay Ginebra ang nahaharap sa kasong physical injuries dahil sa umanoy pananakit sa kanyang dating ka-live-in, kahapon ng umaga sa Pasig city.
Sa reklamo ni Maria Pamela Morris, tubong England, investment adviser at residente ng #2033 Kalamansi st., Dasmariñas Village, Makati City, laban kay Yves "Adonis" Dignadice, 37, kasalukuyang naglalaro sa koponang Barangay Ginebra at nakatira sa Crisanta condominium sa Kapt. Javier st., Bgy. Orambo, Pasig City, tumawag umano sa kanya si Dignadice noong nakaraang linggo at nagpaalam na sa kanya magdiwang ng Pasko ang kanilang anak na si Bryce. Pumayag si Morris sa pangakong ibabalik ang bata sa Disyembre 26.
Dakong alas-10 ng umaga ng napagkasunduang petsa ay tumawag si Morris kay Dignadice at sinabing susunduin na nito ang anak pero hindi umano pumayag ang player dahil gusto pa anya nitong makasama ang anak.
Gayunman ay pumunta pa rin si Morris at kinuha ang anak at sumakay na sa kanilang sasakyan. Dumating si Dignadice at binuksan ang pinto at inakala naman ni Morris na kakausapin lang siya nito, pero nabigla siya ng haltakin ang kanyang buhok at kagatin sa pisngi ng naturang player.
Nagawa namang makaalpas ng babae at agad pinatakbo ang sasakyan saka agad na nagharap ng reklamo sa Pasig police.
Una nang nasampahan ng katulad na kaso ang manlalaro ng Batang Red Bull na si Terry Saldana matapos umano nitong suntukin naman ang 70-anyos niyang driver. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended