^

Metro

Shellfish sa Manila Bay puwede nang kainin

-
Maaari nang pagpiyestahan ng mga taga-Metro Manila at karatig lalawigan ang mga pagkaing shellfish tulad ng tahong, talaba at halaan sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Ito’y matapos na ipahayag kahapon ni Josie Genesera, spokesperson ng Task Force Red Tide ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na libre na sa red tide organisms ang lahat na mga shellfish mula sa Manila bay matapos ang isang laboratory sampling na ginawa ng ahensiya.

Kaugnay nito, inalis na ang ban sa pagkain ng shellfish mula naman sa baybayin ng Sorsogon makaraang makitang wala nang lason ng red tide sa naturang baybayin.

Gayunman, sinabi ni Genesera na ipinagbabawal pa rin ang pagkain ng shellfish sa mga baybayin ng Zambales, Masbate, Zamboanga del Sur at Davao Oriental. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANGIE

BAGONG TAON

BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES

CRUZ

DAVAO ORIENTAL

GAYUNMAN

GENESERA

JOSIE GENESERA

METRO MANILA

TASK FORCE RED TIDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with