Kidnapper huli sa pay-off
December 27, 2000 | 12:00am
Naaresto ng mga operatiba ng Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) ang isang kidnapper ng dalawang mayamang negosyanteng Intsik matapos itong tumanggap ng inisyal na P500,000 ransom sa isinagawang entrapment operations sa Savory Restaurant sa Escolta, Manila.
Kinilala ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Panfilo Lacson ang nahuling suspek na si Rommar Mangalili, 31, may-asawa at residente ng Congressional Village, Project 8, Quezon City.
Sinabi ni Lacson na ang suspek ay nagpanggap na si ‘‘John Rodriguez’’ nang magsagawa ito ng pakikipagnegosasyon sa isang tinukoy lamang sa pangalang Ang, kaibigan ng dalawang kinidnap na pinalayang negosyante na nakilalang sina Zhang Xing at Lu Xulin.
Nabatid na ang dalawa ay kinidnap sa departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng hindi nakilalang mga kalalakihan na nagpakilalang mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI).
Bunga nito, nagtungo sa BI detention center si Ang subalit hindi nito natagpuan ang dalawa niyang nawawalang kaibigan.
Nakatanggap umano ng tawag sa telepono si Ang mula sa isang nagpakilalang John Rodriguez na humihingi ng P1.5 M sa kautusan umano ng opisyal ng BI na nagkulong kina Xing at Xulin.
Sa pagkakataong ito ay nakipagnegosasyon si Ang sa mga kidnappers dito ay humingi ang mga ito ng milyong ransom na naibaba sa P500,000 kapalit ng pagpapalaya sa dalawang kinidnap at ang pay-off ay isinagawa sa nasabing lugar.
Lingid sa kaalaman ni Rodriguez ay nai-report na ni Ang sa tanggapan ng PAOCTF ang nangyaring kidnapping at plinano ang entrapment operation na ikinaaresto ng suspek. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest