^

Metro

Lalaki na nasagasaan ng tren,nabuhay

- ni Ellen Fernando -
Isang lasing na lalaki na tila may taglay na ‘agimat’ ang himalang nabuhay matapos na mahagip at makaladkad ng isang rumaragasang tren kahapon ng umaga sa Sta. Mesa, Manila.

Bahagyang pasa at sugat lamang sa ulo ang tinamo ng biktima na nakilalang si Jose Caneta, 49, may-asawa, residente ng Parcel St., Old Sta. Mesa, Maynila at ngayon ay nilalapatan ng lunas sa Philippine General Hospital.

Base sa report na isinumite ng Western Police District-Traffic Enforcement Office, naganap bandang alas-6:20 ng umaga ay katatapos lang makipag-inuman si Caneta sa kanyang mga kaibigan.

Habang pasuray-suray na naglalakad dahil sa sobrang kalasingan, humantong ito sa may gawing riles ng tren at hindi nito napansin at narinig ang malakas na busina ng padating na tren na nagmula sa Tutuban patungong Laguna.

Ayon sa ilang saksi, mabilis na nahagip at nasalpok ang biktima na inakala ng mga residente doon na nagkalasug-lasog na ang katawan nito.

Laking mangha ng mga nakasaksi nang makitang nakahiga lamang si Caneta at may galos lamang sa katawan at ulo.

vuukle comment

AYON

BAHAGYANG

CANETA

HABANG

ISANG

JOSE CANETA

MAYNILA

OLD STA

PARCEL ST.

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

WESTERN POLICE DISTRICT-TRAFFIC ENFORCEMENT OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with