Mag-ina tinamaan ng ligaw na bala

Kritikal ang isang ina at dalawa nitong anak makaraang tamaan ng ligaw na bala mula sa kainuman ng kanyang mister na walang habas na nagpaputok ng baril, kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Sina Rosie Guinacoran, 31, mga anak na sina Joey, 5 at Rosalie, 1, pawang residente ng #66 Libis Talisay st., nasabing lungsod ay kasalukuyang ginagamot sa Jose Reyes Memorial Hospital.

Tumakas naman ang suspek na nakilalang si Dante Bibania, 29.

Sa ulat na natanggap ni Supt. Eduardo Bayangos, hepe ng Caloocan police station 2, dakong alas-3 ng madaling araw ng maganap ang insidente habang mahimbing na natutulog ang mag-iina sa kanilang tahanan matapos makapag-noche buena.

Nabatid na ang asawa ng biktima ay nakikipag-inuman sa suspek sa labas ng kanilang bahay at sa hindi malamang dahilan ay nagkainitan.

Biglang pumasok ng kanilang bahay ang suspek at kinuha ang kanyang baril na hindi nabatid ang kalibre at paulit-ulit na nagpaputok paitaas kung saan tinamaan ang natutulog na mga biktima. (Ulat ni Gemma Amargo)

Show comments