^

Metro

Kasintahan inayawan ng kaanak, binata nagpakamatay

-
Matapos tanggihan ng kanyang mga kamag-anak ang kanyang kasintahan, nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti ang isang 25 anyos na binata kahapon ng umaga sa Navotas.

Kinilala ni Supt. Roberto Villanueva, Navotas police chief ang nasawi na si Redente Garcia, ng #34 Magat Salamat st., Barangay Daang Hari ng nabanggit na bayan.

Ayon kay PO3 Noel Banarez, may hawak ng kaso, dakong alas-6 ng umaga ng matagpuan ang bangkay ng biktima na may nakapulupot ng nylon cord sa leeg at nakabitin sa biga ng kanilang bahay.

Napag-alamang noong nakalipas na Disyembre 20 taong kasalukuyan ay dinala ng biktima ang kanyang kasintahan sa kanilang bahay upang ipakilala sa kanyang mga kaanak.

Dahil sa hindi nagustuhan ng mga magulang ng biktima ang kanyang kasintahan ay nagpasya na lamang umano siyang ihatid ang babae sa bahay nito sa Pasay City.

Pagkahatid ng biktima sa kanyang kasintahan ay umuwi na ito ng bahay at bago matulog dakong alas-3 ng madaling-araw kahapon ay nagbilin ito sa kanyang nakababatang kapatid na babae na si Bernadette, 20, na "kapag namatay ako ay hanapin mo si Cristina at kahit man lamang sa Kapaskuhan ay makasama ko siya," hanggang sa madiskubre kinabukasan ang bangkay ng biktima. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

AYON

BARANGAY DAANG HARI

GEMMA AMARGO

KANYANG

MAGAT SALAMAT

NAVOTAS

NOEL BANAREZ

PASAY CITY

REDENTE GARCIA

ROBERTO VILLANUEVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with