Mag-lover nagpatayan dahil sa selos
December 24, 2000 | 12:00am
Nauwi sa saksakan at barilan ang pagtatalo ng halos isang oras ng magka-live-in na kapwa nila ikinamatay dahil lamang umano sa selos, kamakalawa sa Quezon City.
Kinilala ang mga nasawing sina Erwyn Talog, 28, residente ng San Pedro Bautista, San Francisco del Monte, QC at Catalina Panis, 22, ng #96 Kapangyarihan compound Homemart road, Baesa, QC.
Nabatid sa imbestigasyon ni PO3 Ferdinand Paredes, may hawak ng kaso, sinabi ng isang Gliceria dela Mor, 73, na kalilipat lamang ng mag-live-in sa #18 Joseph st. kanto ng San Simon st. Bgy. Holy Spirit, nasabing lungsod may 15 araw na ang nakararaan.
Matapos makapananghalian nitong nakaraang Disyembre 22 ay narinig niyang nag-aaway sina Talog at Panis.
Makalipas ang isang oras ay lumabas ng bahay si Talog dala ang balisong at duguan. Agad na inusyoso ni Mor ang kabahayan at laking gulat nito ng makitang duguang nakabulagta sa sahig si Panis at patay na dahil sa tatlong saksak ng patalim sa dibdib at dalawa sa braso.
Nang magresponde ang mga barangay tanod ng Bgy. Holy Spirit, di kalayuan sa pinangyarihan ng krimen ay natagpuan ng mga ito si Talog na duguan rin. Isinugod ito sa East Avenue Medical Center pero patay na dahil sa mga tama ng bala ng baril sa tiyan at kaliwang kilay.
Nakuha kay Talog ang balisong na ginamit kay Panis samantala ang baril ay nakita sa pinangyarihan ng krimen na sinasabing ginamit naman ng babae sa lalaki.
Ayon kay PO3 Paredes, batay sa kanyang pagsisiyasat ay matinding selos ang ugat ng pag-aaway ng dalawa. Si Panis ay kararating lamang umano mula sa Japan. (Ulat ni Angie Dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended