Ang nasabing hakbang ay ipinag-utos kasunod ng sunog sa Paco, Maynila kahapon ng umaga dahil sa napabayaang appliance na nag-overheat sa bahay ng isang Agapito Guevarra sa 1163 Enrique st., Paco, sanhi ng pagkatupok ng tatlo pang unit ng apartment kung saan isa rito ay pinag-iimbakan ng mga paputok.
Sinabi ng mga arson investigators na nagsimulang mamataan ang makapal na usok bandang alas-6:35 ng umaga sa bahay ni Guevarra. Ang apoy ay madaling sumiklab at kumalat nang magsimulang magputukan ang mga firecrackers sa tatlo pang katabing unit o apartment.
Kaugnay nito, walang iniulat na nasaktan o nasugatan sa naturang insidente na tinatayang umaabot sa P4-milyon halaga ang nasira.
Sinabi naman ni Sr. Fire Officer 2 Reden Alumno, ng Bureau of Fire Protection na nagbigay na ng direktiba ang kanilang matataas na opisyales na umalerto simula ngayon at sa New Years Eve.
Karamihan sa mga pamatay-sunog sa anim na fire stations sa lungsod at mga fire volunteer brigades na nakabase sa Binondo ay itinalaga na sa lahat ng mga kalye sa lungsod upang i-monitor ang galaw ng mga residente na nagpaplanong magsunog din ng gulong sa kalye na karaniwang isinasagawa sa pagsalubong ng Bagong Taon. (Ulat ni Ellen Fernando)